PAGSUNOD SA CURFEW SA MANAOAG, IGINIIT

Muling nagpaalala ang Manaoag Police Station sa striktong pagsunod sa curfew hours mula 10PM hanggang 4AM upang masugpo ang krimen kasunod ng nalalapit na halalan.

Ayon sa tanggapan, nakakatanggap umano ng reklamo ang kapulisan ukol sa pagsulpot ng ilang kahina-hinalang indibidwal na kabilang sa drug watchlist ng PNP sa ilang kabahayan na ikinababahala ng mga residente.

Tututukan rin umano ang pagkakatala ng mga aksidente sa daan, rambulan at karahasan na minsan ay kinasasangkutan umano ng mga kabataan.

Iginiit ng kapulisan na hindi sila manghuhuli ng mga lumalabag ngunit ihahatid sa barangay council ang sinumang makikitang kahina-hinala at umiinom sa pampublikong lugar.

Hinihikayat ng awtoridad na maiging sitahin ang mga residente partikular ang mga kabataan na nasa impluwensya ng alak upang maiwasan ang anumang untoward incident. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments