PAGSUNOD SA FAIR TRADE LAWS, TINIYAK NG CPD-DTI REGIONAL OFFICE 1

Tiniyak ng Consumer Protection Divisions (CPD) ng Department of Trade Industry (DTI) Regional Office 1, La Union at Pangasinan Provincial Offices ang mahigpit na pagsunod sa iba’t ibang Fair Trade Law ng mga business establishment sa rehiyon.
Isinagawa ang monitoring at enforcement activities sa mga munisipalidad ng Manaoag, Binalonan, Sison, Pozorrubio at Urdaneta ng Regional Enforcement Team.
Kinakailangang sundin ng mga business establishments ang Fair Trade Law tulad ng Product Standards Law, Accreditation of Service and Repair Shops, Private Emission Testing Centers, Business Name Law at Price Tag Law.

Nasa tatlumpu’t siyam ang kabuuan ng nasuring mga kumpanya at ilan sa mga produktong sumailalim sa monitoring ay ang mga steel bar at angle bar, inner tubes, tie wires, sanitary wares, monobloc chairs, appliances at helmet.
Dalawang kumpanya naman sa mga ito ang naisyuhan ng Notice of Violation. |ifmnews
Facebook Comments