Ikinukonsidera ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na kabayanihan ang patuloy na pagsunod sa mga health protocols at pagsuporta sa programa na gobyerno na pagpapabakuna kontra COVID-19.
Ang pahayag ay ginawa ng kalihim kaugany sa pagdiriwang ngayong araw ng National Heroes’ Day.
Ayon kay Secretary Lorenzana, sa pagsunod sa mga panuntunang pangkalusugan at pagsuporta sa mga programa gaya ng pagbabakuna, mapapangalagaan natin hindi lamang ang ating sarili kung hindi maging ang komunidad.
Gaya aniya ng mga bayaning nagdaan, mapagtatagumpayan lamang ang anumang laban kung may pagtutulungan at pagkakaisa.
Panawagan ni Lorenzana sa publiko na sa gitna ng pagsubok na dulot ng pandemya, sana’y maging inspirasyon ang mga bayani noon at ngayon para gampanan ang tungkuling magkaisa para sa kapakanan ng ating bayan.
Samantala, inalala naman ni Lorenzana ang mga kabayanihang ginawa ng mga tropa ng gobyerno sa naganap noong Zamboanga at Marawi siege kung saan marami ang nagbuwis ng buhay.