Pagsunod sa health protocols laban sa COVID-19, ipinaala sa mga residente ng Pasay

Nagpaalala ang Pasay City Local Government sa mga residente ng kanilang lungsod patungkol sa pagsunod pa rin sa safety “health protocols” kontra COVID-19 at iba pang sakit.

Sa ngayon kasi tumataas na ang kaso ng COVID—19 sa Southeast Asia.

Ayon sa Pasay LGU, ugaliin ang paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng facemask at umiwas sa mga matataong lugar.

Kung may sintomas naman daw ng sakit gaya ng sipon, ubo o lagnat ay manatili muna sa tahanan o ‘di kaya’y magtungo agad sa pinakamalapit na ospital.

Paalala ng Health City Department na ang pagsunod sa mga patakarang pangkalusugan ay mahalaga upang maiwasan ang ano mang puwedeng makahawang sakit at matiyak ang kaligtasan ng bawat isa.

Facebook Comments