Pagsunod sa international law at pakikipagdayalogo para mapanatili ang kapayapaan sa mundo, panawagan ng Papal Nuncio sa Vin D’Honneur

Nanawagan si Papal Nuncio to the Philippines Charles Brown sa sumunod sa international law at diplomacy para maiwasan ang anumang gulo sa mga usapin sa rehiyon.

Sa Vin D’Honneur sa MalacaƱang, sinabi ng Papal Nuncio na hindi nalalayo sa sitwasyon noong 1962, ang sitwasyon sa geopolitical ngayong 2024.

Patuloy pa rin kasi aniyang nakararanas ng polarization o pagkakahati ng ilang bansa at mga karahasan ang mundo.


Dahil dito, sinabi ng Papal Nuncio na dapat isulong ang pakikipagdayalogo kung nais ng lahat na magkaroon ng ligtas at maunlad ang mundo at maiwasan ang mga hindi pagkakaunawaan.

Tulad na lamang aniya ng ginagawang peace process sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Giit nito, mahalaga ang mahabang pasensiya, seryosong pag-uusap at respeto sa international law at para sa pagpapanatili ng kapayapaan.

Facebook Comments