PAGSUNOD SA KONDISYON NG 4PS,PINALALAWIG SA BAYAN NG SAN NICOLAS

Pinapalawig sa bayan ng San Nicolas ang mga kondisyon ng batas ukol sa Pantawid Pamilya Pilipino Program o ang 4Ps sa pamamagitan ng napag-usapang paglikha ng participatory monitoring, evaluation system at metodolohiya sa pagsunod sa nasabing kondisyon.
Saad ng alkalde ng bayan na kailangang tiyakin na ang mga benepisyong natatanggap ng mga residente rito ay alinsunod sa mga kundisyon sa mga programa na isinasaad ng batas.
Dagdag pa niya na pagpapatibay ng Municipal Advisory Council ay maitatatag ang mga kinakailangang mga mekanismo upang epektibog masubaybayan ang mga sambahayan na nasa loob ng programang 4Ps.
Hangad din ng lokal na pamahalaan ng San Nicolas na mas mapabuti pa ang kalagayan at mapunta sa tamang benepesyaryo ang mga makikinabang sa 4ps.

Kaugnay din nito ang pagpapalakas ng Municipal Advisory Council upang makahikayat ng iba pang stakeholders mula sa social service workforce pakilusin ang mga pamilyang nasa 4Ps para sa kanilang pag-unlad at hindi na bumalik sa antas ng kahirapan na kanilang nakaugalian. |ifmnews
Facebook Comments