PAGSUNOD SA LAND TRANSPORTATION AND TRAFFIC CODE SA PANGASINAN, IGINIIT

Iginiit ng Pangasinan Police Provincial Office ang pagtalima ng publiko sa Republic Act 4136 o Land Transportation and Traffic Code upang mapaigting ang kaligtasan at kaayusan sa kakalsadahan.

Nakasaad sa batas na dapat nasa kanang linya ng daan ang mga slow moving vehicles tulad ng tricycle, e-vehicles, bisikleta, at motorsiklo at magoovertake lamang kapag kinakailangan.

Nasa P1,000 ang multa naman sa Obstruction at Disregarding Traffic Signs habang P2,000 hanggang P10,000 naman sa Reckless Driving.

Ang pagpapaigting ng nasabing batas ay May kaakibat na responsibilidad sa pangangalaga sa buhay at disiplina sa kakalsadahan.

Samantala, patuloy pa rin na umiiral ang checkpoint at Oplan Sita sa ilang bahagi ng lalawigan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments