Pinawi ng OCTA Research team ang pangamba ng publiko kaugnay sa pagpasok ng bagong variant ng COVID-19 sa bansa na mula sa United Kingdom.
Sa interview ng RMN Manila kay Dr. Butch Ong ng OCTA Research, sinabi nito na bagamat nasa bansa ang UK variant, ang patuloy na pagsunod sa mga umiiral na health protocols ang isa pa rin sa mabisang paraan para malabanan ang virus.
Binigyan diin ni Ong na ngayon ay mas aware na ang publiko sa banta ng virus kaya walang dapat ipangamba ang publiko at sumunod lang mga ipinapatupad na health standard ng pamahalaan.
Bagamat mabilis makahawa ang new variant, parehas lang din naman aniya ang epekto nito sa taong tatamaan.
Bukod rito, paparating na rin aniya ang mga bakuna laban sa virus na binili ng pamahalaan.
Sa ngayon ay ipinanukala ng mga eksperto na mas paigtingin pa ang contact tracing at COVID-19 testing.
Hindi rin inirerekomenda ng mga health expert na i-home quarantine ang mga magpopositibo sa new variant dahil mas mabuting namo-monitor ang kanilang kalagayan sa mga quarantine facility