Pagsunod sa minimum public health standards, mahigpit na paalala ng PNP sa mga local candidates at kanilang supporters

kasabay ng pag-arangkada ng local campaign period sa buong bansa, mahigpit na nanawagan ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa publiko na sundin ang minimum public health standards dahil may banta pa rin ng COVID-19.

Ayon kay PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo, ang mahigpit nilang panawagan ay para hindi na maulit pa ang muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Una nang inanunsyo ng PNP na nagdagdag sila ng nasa 37,000 na mga pulis para tumulong sa pagbibigay ng seguridad ngayon panahon ng halalan at pagtiyak na nasusunod ang minimum public health standard.


Bukod pa ito sa unang 40,000 na pulis na idineploy para magsagawa ng COMELEC Checkpoint nationwide.

Facebook Comments