Pagsunod sa minimum public health standards, muling ipinaalala ng PNP matapos ang pagdoble ng active cases sa kanilang hanay

Muling ipinaalala ng Philippine National Police (PNP) sa kanilang mga tauhan ang pagsunod sa minimum public health standards matapos dumoble ang active cases ng COVID-19.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Brigadier General Roderick Alba, hindi dapat makaligtaan ng mga pulis ang pagsusuot ng face mask, physical distancing, paghuhugas ng kamay at pagsunod sa health protocols na inilatag ng gobyerno ngayong may pandemya.

Batay sa datos ng PNP Health Service, ngayong Miyerkules, June 29, 2022, mula 14, umakyat na sa 27 ang aktibong kaso ng Coronavirus sa pulisya.


Ito ay matapos makapagtala ng 13 na bagong kaso kaya’t umabot na sa 48,901 ang mga tinamaan ng sakit.

Habang 48,745 ang mga gumaling at 129 ang mga nasawi.

Samantala, umabot na sa 222,932 o 98.69 percent ang naturukan ng booster shot sa PNP bilang karagdagang proteksyon laban sa COVID-19.

Facebook Comments