Pagsunod sa proseso para sa tamang pag-aresto sa mga quarantine at health protocol violators, ipinaalala sa mga pulis

Pinaalalahanan ni Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar, ang lahat ng police units at kanilang mga tauhan na istriktong sundin ang guidelines at procedures sa pag-aresto sa mga lumalabag sa quarantine at health protocols.

Panawagan ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra sa mga law enforcer na sundin ang mga protocol sa tuwing magsasagawa ng pag-aresto lalo na sa mga lugar na nasa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ngayon.

Dagdag ni Eleazar, titiyakin niyang susundin ng mga pulis ang mga nakasaad sa guidelines na pinirmahan ng DOJ at Department of the Interior and Local Government (DILG) kaugnay sa pag-handle ng mga insidente ng health protocol violations.


Matatandaang lumagda ang DOJ at DILG noong buwan ng Hunyo ng internal guideline para sa mga law enforcer sa pag-handle ng health protocols violations.

Aniya, mahalaga na pairalin ng mga pulis ang magalang na pagsita sa mga quarantine violator.

Sinabi ni Eleazar na pananagutin ng PNP ang mga pulis na magmamalabis o aabuso sa pagpapatupad ng guidelines.

Facebook Comments