Manila, Philippines – Iniimbestigahan na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang nag-viral na video kung saan makikitang sadyang sinusunog ang mga perang P20 at P50.
Batay sa presidential decree no. 247, labag sa batas ang pagsira, pagbaboy, pagpunit o pagsunog sa kahit anong pera.
Ayon sa BSP, ang mapapatunayang lumabag sa decree ay pagmumultahin ng hindi tataas sa P20,000 at maaari pang makulong hanggang sa limang taon.
Dagdag ng BSP, dapat ipagmalaki ang mga pera dahil makikita rito ang iba’t ibang pilipinong nagbigay karangalan at humulma sa ating bansa.
Tinatawagan din ng BSP ang mamamayan na ipagbigay alam sa kanila ang makikitang sisira ng pera.
Facebook Comments