Pagsunog sa Dalawang IP’s na Ikinamatay na ng Isa sa Maconacon Isabela, Hindi Sinasadya!

Maconacon, Isabela – Hindi umano sinasadya ng suspek ang naganap na pagkasunog at ikinamatay na ng isa sa dalawang indigenous people o dumagat sa Maconacon, Isabela kamakailan.

Ayon kay Police Senior Inspector Val Simangan, hepe ng Maconacon Police Station na sinabi umano ng suspek na si Renato Castillejo na wala siyang intensyon na sunugin ang dalawang dumagat kundi nais lamang umano takutin sa pamamagitan ng amoy ng gasolina.

Sinabi pa umano ni Castillejo na pagkatapos niyang sabuyan ng kalahating litro ng gasolina sina Fernando Sesuca at Acorda Cortez ay nagkataon na may nakasigang apoy malapit sa dalawa.


Sa katunayan pa umano ay si Castillejo ang humila sa dalawa papuntang tabing dagat upang maapula ang apoy sa kanilang katawan.

Ngunit sa kasawiang palad ay binawian na ng buhay si Fernando Sesuca matapos na mabigyan ng paunang lunas ng Rural Health Unit at kapulisan ng Moconacon Isabela.

Samantala sina Sesuca at Cortez na mula ng Divilacan Isabela ay nasa Maconacon dahil sa nagtratrabaho umano ang mga ito sa nasabing bayan.

Facebook Comments