Pagsunog sa Heavy Equipment sa Baggao, Cagayan, NPA ang pangunahing suspek!

Tuguegarao City, Cagayan – Patuloy na nagsasagawa ng pagsisiyasat ang mga alagad ng batas kaugnay sa muling pagsunog ng mga hinihinalang New Peoples Army (NPA) noong ika-lima ng Marso, taong kasalukuyan sa mga heavy Equipment sa Brgy. Imurung, Baggao, Cagayan.

Ayon kay Police Major Sharon Mallillin tagapagsalita ng PNP Cagayan, maaari umano na nabigo sa pangingikil sa mga contractor ang dahilan ng panununog ng mga NPA sa mga equipment na kinabibilangan ng isang 6×6 truck, isang buldozzer at isang tractor na pagmamay-ari ni Abraham Aurelio.

Magugunita na noong Pebrero 28, 2019, sinunog rin ng tinatayang dalawampung miyembro ng rebeldeng NPA ang Tatlong Mixer, isang Compactor o pison, isang Grader at isang Dump Truck sa Brgy. Agani, Alcala, Cagayan na ginagamit sa paggawa ng sementadong daan sa nasabing lugar.


Dagdag pa ng opisyal ng ang mga ginagawang pagsunog sa mga heavy equipment ng mga negosyante ay senyales ng desperadong hakbang upang mapilitan ang mga ito na magbigay ng revolutionary tax sa mga teroristang NPA.

Facebook Comments