Pagsunog sa heavy equipments kinondena ni Mayor Sara

Davao City – Kinondena ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio ang pagsunog sa sampung heavy equipments dito sa Davao City na ginawa umano ng mga miyembro ng New People’s Army o NPA noong araw ng Sabado, Marso 31.

Ito ang pahayag ng alkalde na inilabas ng Davao City Information Office.

Ayon kay Mayor Sara, naatasan na ngayon ang kasundaluhan at kapulisan na gumawa ng aksyon sa nasabing pangyayari.


Patuloy na umaapela ngayon ang alkalde sa mga dabawenyos at sa mga partners sa peace and development movement na suportahan ang mga pulis at sundalo at ipatuloy ang pagkondena sa mga NPA na isang teroristang grupo.

Dahil sa nasabing insidente, temporaryong natigil ngayon ang road widening project ng Department of Public Works and Highways o DWPH sa tatlong Brgy. dito sa Davao.

Kung maaalala, sinunog ng umano’y NPA members ang mga heavy equipment na inilagay sa tatlong Brgy. dito sa Davao partikular na sa Barangay Callawa, Buhangin District, Barangay Dalagdag, Calinan District, at Barangay Fatima, Paquibato District.

RadyoMaN Renz Barbarona

Facebook Comments