Pagsunog sa Lumad schools, kinondena

Kinondena ni Bayan Muna Representative Eufemia Cullamat ang ginawang pagpapasara ng Department of Education (DepEd) sa 55 Salugpungan schools sa Davao Region.

Giit ni Cullamat, ang pagpapasara sa mga Lumad schools ang pinakamalupit at pinakamatinding paglabag sa karapatan sa edukasyon sa mga kabataang Lumad.

Aabot aniya sa 3,500 na mga mag-aaral at 30 mga guro ang apektado ng ginawang pagpapasara sa mga Lumad schools.


Itinuturo ni Cullamat ang panunulsol ng militar sa DepEd kaya naipasara ang mga paaralan.

Marami aniyang proyekto na gustong ipasok ang AFP tulad ng malalaking mina, dam, plantasyon at logging na makakasira sa kanilang pagaaring lupain.

Nanindigan naman si Cullamat na ilalaban ang karapatan ng mga Lumad at sa kanilang lupain kahit pa ipinasara ang mga paaralan.

Facebook Comments