PAGSUOT NG HINDI ANGKOP NA MGA KASUOTAN LALO SA MGA BATA, IMINUNGKAHING IPAGBAWAL

Tututukan ng lokal na pamahalaan ng Mangaldan ang kapakanan at proteksyon ng mga bata laban sa isyu ng online sexual abuse and exploitation.

Ito ang isa sa binigyang-diin ng alkalde ng bayan sa naganap na joint executive and legislative meeting.

Ayon kay Mayor Bona, importante umanong mamonitor at ma-protektahan ang interes ng mga kabataan, sa gitna ito ng napapansing isyu kung saan nasasangkot kahit sa mga maseselang pagkakataon ang mga ito.

Alinsunod dito, iminungkahi ang pagbabawal sa hindi angkop na kasuotan lalo na sa mga murang edad, na may layong mailayo ang mga bata sa naglipanang mga online exploitation. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments