Nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga manggagawa na gumamit lamang ng face shields na mayroong full face protection.
Batay sa Joint Memorandum Circular ng DOLE at Department of Trade and Industry (DTI), ang face shields ay dapat tinatakpan ang buong mukha.
Sakop dapat ito ang magkabilang gilid at haba ng mukha at kung posible ay dapat umaabot ito hanggang sa mga tainga at ibaba ng baba o chin.
Paglilinaw ng DOLE na ipinagbabawal ang visor-type face shields.
Ang face shield at face mask ay daapt sinusuot kapag may kausap na katrabaho, kliyente o bisita sa opisina.
Nire-requre ang mga employer na ipatupad ang lahat ng workplace safety at health programs na walang gagastusin ang mga empleyado.
Facebook Comments