Nangangamba ngayon ang mga residente ng isla ng Santiago, na may 15,000 botante, sa Bolinao, Pangasinan nang tumambad sa kanila ang malaking grupo ng kalalakihan at pinagsasabihan sila na huwag ng lumabas ng bahay.
Ang mga residente ng Santiago ay tukoy na tagasuporta ni VP Leni Robredo at humihingi din sila ng tulong ngayon ng kay Serafin ‘Apin’ Cacho, tumatakbo sa pagka-alkalde sa Bolina, tagasuporta ni VP leni at Kiko.
Kaagad namang tumawag sa media si Cacho para humingi ng tulong sa kinaukulan at media.
Naunang dumating sa eksena ay ang mga boluntaryong reporter ng DZRH para sa botohan (DZRH Desisyon 2022) nang bandang 5:00pm, kahapon Mayo 8.
Ilang pulis ang dumating pero nagbabala sila sa media na umalis sila sa isla dahil hindi masigurado ng pulisya ang kanilang kaligtasan. Sinabi ng mga mamamahayag sa mga pulis na sila ay nasa Santiago Island upang i-cover ang mga botohan at i-verify ang mga naiulat na aktibidad ng harassment ng mga estrangherong klalakihan sa mga residente ng isla.
Mababatid na si Apin Cacho ay nangangampanya para kay Leni-Kiko gayundin kay Former Sec Orbos na tumatakbo sa pagka-kongreso at sumusuporta kina Leni Kiko tandem at si Governor Amado Espino III . Si Orbos ay tumatakbo laban kay former congressman Art Celeste na nangangampanya para kay Marcos Jr. Ang kapatid niya na si Boying Celeste ay bahagi sa drug list ni PRRD