Pagsuporta kay Pacquiao sa pagkapangulo para sa 2022 election, welcome sa 1Sambayan coalition

Welcome para sa opposition coalition na 1Sambayan ang posibleng pag-endorso kay Senator Manny Pacquiao sa pagkapangulo para sa 2022 election.

Ayon kay Fr. Albert Alejo, isa sa mga convenors ng coalition, ito ay kung mayroong mga kaibigan ni Senator Pacquiao na magno-nominate sa 1Sambayan.

Ilan naman sa mga kailangang gawin ni Pacquiao upang matupad ito ay kung willing itong sumunod sa alintunin ng 1Sambayan kung saan magkakaroon ng panayam at screening kung pasok ba ito sa kanilang pamantayan.


Matatandaang, una nang sinarado ng 1Sambayan ang kanilang pintuan kay Pacquaio matapos mawala ang suporta ng senador kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments