Zamboanga, Philippines – Hiling ngayon ni Zamboanga del Norte Vice-Governor Atty. Senen O. Angeles sa publiko na suportahan ang deklarasyong Martial Law sa Mindanao dahil hindi lamang aniya ito para sa mga naapektuhan sa kaguluhan gaya ng Marawi City kondi para ito sa buong Mindanao na hindi na aabot pa ang kagulohan sa ibang mga probinsya sa rehiyon.
Ito ang naging pahayag ng opisyal sa panayam ng RMN-Dipolog.
Ipinaliwanag ng Bise Gobernador, na kahit idineklara ang Martial Law sa buong Mindanao nananatili parin ang civilian authority at kailangan ng tulong at suporta ang pulisya at militar para mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa lugar.
Hiling din ni Angeles sa publiko na hindi dapat magkompiyansa at magiging vigilante para hindi malusutan ng mga masasamang grupo.
Sa lalawigan sa Zamboanga del Norte nananatili paring normal ang peace and order situation sa lalawigan sa kabila ng deklarasyong Martial Law ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa nangyaring kagulohan sa Marawi City.
DZXL558, Mardy Libres