Dumipensa ang Malacañang sa pagsuporta ng Pilipinas sa kandidato ng China para sa International Court of Justice (ICJ).
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, suportado ng Pilipinas ang kandidatura ni Judge Xue Hanqin para saluhin ang isa sa limang pwestong nakatakdang mabakante.
Aniya, suportado nila ang Chinese judge hindi lamang sa integridad at kakayahan nito kundi ang pagkakaroon ng matibay na relasyon ng Pilipinas at China.
Sinabi rin ni Roque na isa sa kaniyang closest friends si Judge Xue na kasalukuyang Vice President ng ICJ.
Ang 15-man ICJ ay principal judicial organ ng United Nations.
Facebook Comments