Pagsuporta sa kanyang lovelife, birthday wish ni Vice Ganda

Kasabay ng 43rd birthday ni Vice Ganda ngayong araw. Hiniling ng unkabogable star sa publiko na suportahan naman ang kanyang lovelife.

 

Say ni Vice, marami raw siyang nababasa na ang gusto lang sa kanya ay ang magpatawa.

 

Tila hindi raw kasi suportado ng publiko kapag nagmamahal na siya.


 

Nagpapasalamat din si Vice sa mga taong sumusuporta sa kanya pagdating sa pagpapatawa at sana daw ay maging masaya ang bawat isa.

 

Sa ngayon ay wala pang pormal na pag-amin kung mayroon nang love life si Vice.

 

Pero usap-usapan na may namamagitan sa kanila ng tinaguriang “kuya escort” ng isang noon time show na si Ion Perez.

Facebook Comments