Pagsuporta sa local abaca industry, panawagan ng isang kongresista para makatulong sa pagpapalakas sa sektor ng agrikultura

Nananawagan si House Deputy Speaker at Las Pinas Representative Camille Villar ng higit na suporta para sa local abaca industry.

Tiwala si Villar na higit nitong mapapalakas ang sektor ng agrikultura at ang local trade and economy para mas lumikha ng mas maraming trabaho at kabuhayan para sa mamamayang Pilipino.

Binigyang-diin ni Villar na dapat mapanatili ang pagiging top producer ng abaca sa buong mundo ng Catanduanes na itinuturing na Abaca Capital of the Philippines.

Tinukoy ni Villar ang report ng Department of Agriculture (DA) na sa ngayon ay nasa 36,000 ektarya ang abaca production area ng Catanduances kung saan kumukuha ng kabuhayan ang 15,000 abacaleros.

Facebook Comments