Manila, Philippines – Kinumpirma ni Public Works and Highways Secretary Mark A. Villar na malapit ng maumpisahan ang paghuhukay sa Manila Bay
Ayon kay Villar nagsagawa ng tinatawag na bathymetric o depth measurement survey, water quality test at ocular inspection ang Bureau of Equipment sa Manila Bay at Navotas River at ang resulta ng naturang surveys ay magiging basehan sa gagawing dredging activities sa mga susunod na linggo.
Paliwanag ni Secretary Villar na ang dredging pangunahing mekanismo sa pagtanggal ng mga burak sa Manila Bay at ang bathymetric survey naman ay kailangan upang matantiya ang halaga ng necessary material na matatanggal at pagtutuunan ng pansin ang lugar na lilinisin .
Natukoy na rin ng DPWH ang 3 dredging sites kung saan kabilang ang Navotas River at Estero de Vitas sa Tondo, Manila at ang priority ay ang 100 meters mula sa shoreline ng Manila Bay na tinatayang 1.5-kilometer lawak mula sa Manila Yacht Club breakwater patungong US Embassy.