Pagsuspinde ng excise tax at VAT sa mga produktong petrolyo, malabong pagbigyan – DOF

Nanindigan ang Department of Finance (DOF) na hindi maaring suspendihin ang fuel excise taxes sa gitna ng sunod-sunod na oil price hike bunsod ng Ukraine-Russia crisis.

Ito ay matapos ihain sa Kongreso ang ilang panukalang nagsusupinde sa fuel excise tax.

Ayon kay DOF Assistant Secretary Paola Alvarez, P138.8 bilyon o 0.6% ng gross domestic product (GDP) ng bansa ang mawawalang kita kung sususpendihin ang lahat ng excise tax at value-added tax (VAT) sa langis.


Aniya, kung sususpendihin ang excise tax mula Hunyo hangang Nobyembre nasa P48.7 bilyon ang mawawalang kita sa bansa habang P69.3 bilyon naman kung mula Hunyo hanggang Disyembre.

Giit ni Alvarez, aabot sa P1.5 trilyon ang malulugi sa gobyerno sakaling ipatupad ang suspension sa susunod na 10 taon.

“Makakaapekto po ito in the long run kasi ‘pag sinuspinde na po natin or ginawa nating automatic ang pagsuspinde po ng excise tax ‘pag nagkaroon po ng ganitong klase ng pangyayari like ‘pag iyong automatic na hindi na kailangan ng batas para isuspinde, in the long run, malaki po ang mawawala sa atin – around 1.5 trillion pesos po ang mawawala hanggang 2032,” ani Alvarez.

Facebook Comments