Pagsuspinde ng byahe mula Wuhan China, pag aaralan pa ng pamahalaan

Wala pang natatanggap na rekumendasyon ang Palasyo hinggil sa panukalang pagsususpinde ng direct flights mula Wuhan, China na sinasabing pinagmulan ng misteryosong sakit o novel coronavirus.

 

Matatandaang sa liham ni Muntinlupa Rep. Rozzano Rufino Biazon hiniling nito sa Civil Aviation Authority of the Philippines na suspendihin ang byahe ng eroplano mula Wuhan, China patungong Kalibo, Aklan.

 

Ito ay makaraang makatanggap ng impormasyon si Cong Biazon na may direct flight ang Royal Air Charter Service mula Wuhan patungong Aklan.


 

Layon aniya nitong maiwasan ang pagkalat ng sakit na pinaniniwalaang nanggaling sa nasabing lugar.

 

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo pag aaralan muna ito ng mga kinauukulan bago gumawa ng aksyon.

 

Pero sa ngayon, wala namang rason para magpanic ang publiko dahil On the top of the situation ang Department of Health.

 

Sa katunyan ayon kay Panelo ang mga airline companies na mismo ang nagpapatupad ng kanilang safety measures kung saan kapag ang isang pasahero ay sinisipon o inuubo ay agad itong inihihiwalay at dadaan sa serye ng eksaminasyon.

Facebook Comments