Ikinatuwa ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III at ng iba pang mga senador ang pagsuspinde ng gobyerno sa proseso ng termination sa Visiting Forces Agreement (VFA) na kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.
Para kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto, mainam na manatili ang VFA sa susunod na 50 taon o hanggang lumakas na ang ating ekonomiya at kaya na ng ating militar na ipagtanggol ang ating sarili.
Sa tingin naman ni Senator Sonny Angara, ang hakbang ng pamahalaan pabor sa pananatili ng VFA ay isang mahusay na desisyon dahil malaking tulong na mapanatili ang ating pakikipag-kaibigan sa ibang mga bansa ngayong may pandemic.
Sinabi naman ni Senator Panfilo ‘Ping’ Lacson, na kailangan ngayon ng bansa ang VFA sa harap ng patuloy na pag-angkin ng China sa ating teritoryo partikular sa bahagi ng West Philippine Sea.
Ikinalugod din ito ni Senate Minority Leader Franklin Drilon dahil makabubuti sa interes ng ating bansa partikular sa pagpapanatili ng ating karapatan sa West Philippine Sea.
Naniniwala din si Drilon na hindi ito makakaapekto sa inihain nilang petition for declaratory relief and mandamus kung saan isinusulong ng Senado na patibayin ng Kataas-taasang Hukuman ang poder ng Senado pagdating sa terminasyon ng isang tratado