Nanawagan ang grupo ng mga magsasaka kay Pangulong Rodrigo Duterte na suspendihin ang pag-aangkat ng bigas.
Sa pagdinig ng House Committee on Agriculture, iginiit ng mga magsasaka mula Nueva Ecija na sumadsad na sa hanggang pitong piso kada Kilo ang presyo ng palay.
Isinisisi nila ang pagbaha ng mga inangkat na bigas.
Giit ni Rosendo So, Chairperson ng Samahang Industriya ng mga Magsasaka (SINAG), sa baba ng imported rice, hindi talaga bibili ang mga rice trader sa mga lokal na magsasaka sa mataas na halaga.
Sa ilalim ng Rice Tariffication Law, hindi na sakop ng National Food Authority (NFA) na i-regulate ang presyo ng bigas sa pamamagitan ng pagbili ng ani ng mga magsasaka.
Ayon kay NFA Chief Judy Dansal, namimili pa rin sila ngayon sa halagang presyong 20 pesos kada Kilo.
Nangako na ng tulong ang Department of Agriculture (DA) para sa mga magsasaka sa pamamagitan ng pautang, training, binhi at makina.