Pagsuspinde ng pagbabayad ng claims ng PhilHealth, ikinabahala ng Philippine Hospitals Association

Ikinabahala ng Philippine Hospitals Association (PHA) ang inilabas na circular ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na nagsususpinde sa pagbabayad ng claims na kasalukuyang sumasailalim sa imbestigasyon.

Ayon kay PHA President Dr. Jaime Almora, naaalarma na ang mga ospital lalo na’t inilabas ito sa panahon na nagrereklamo sila dahil sa matagal nang hindi pagbabayad sa COVID-19 claims.

Aniya, bilyun-bilyong piso pa ang utang sa kanila ng PhilHealth at pinangangambahan nilang ideklara na lamang itong “fraudulent” na maaaring makasira sa reputasyon ng mga ospital.


Dagdag pa ni Almora, posibleng ginagawa lamang na rason ng PhilHealth ang ganitong isyu upang tuluyan na silang hindi mabayaran.

Facebook Comments