Katanggap-tanggap sa Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagpataw ni Gen. Trias Mayor Antonio Ferrer ng 30-day preventive suspension sa mga opisyal ng barangay na nasa likod ng ‘karakol’ at mass gathering event sa Brgy. Santiago.
Kabilang sa sinuspinde ay sina Barangay Santiago Punong Barangay Rolando Pagkaliwangan at ang mga barangay kagawad na sina Joey Loyola, Francisco Solis, at Ferdinand Perdito.
Pinuri ni Secretary Eduardo Año ang mabilis na imbestigasyon at aksyon ng pamahalaang lokal sa insidente.
Hinamon naman ni DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya ang ibang Local Government Units (LGUs) na tularan ang ipinakita ng General Trias LGUs na katatagan para maipatupad ang mas mahigpit na health protocols sa antas ng barangay.
Aniya, ngayong mayroong community transmission na ng Delta variant, mahalaga para sa mga barangay na matuto at mas maging mahigpit para hindi na maulit ang insidente.