Pagsuspinde sa Brgy. Election malaking tulong para malinis ang mga Brgy. opisyal na sangkot sa ilegal na droga ayon sa DILG

Manila, Philippines – Naniniwala si DILG Asec Ricomjudge Janver Echeverri na malaking maitutulong ang pagsuspinde ng Brgy. Election para malinis sa ang ilang mga pinaniniwalang Brgy. opisyal na sangkot sa operasyon sa ilegal na droga.

Ayon kay Echeverri matutukoy na ng PNP kung sinu-sino ang mga Brgy. Chairman sa Metro Manila at karatig Lalawigan na kumakanlong sa mga ilegal na droga dahil hindi na nila kayang maimpluwensahan at magagamit ang kanilang kapangyarihan.

Paliwanag ni Echeverri ang mga Brgy. Captain o Chairman na mayroong kaso ay kanilang pag aaralan kung ano ang gagawin na hindi lalabag sa batas at ang walang kaso naman ay tuloy pa rin ang kanilang trabaho bilang Brgy opisyal.


Sa panig naman kay Brgy. Pinyahan Chairman Jun Lipnica na mayroong kaso nakabinbin sa Ombudsman hindi siya natatakot na matanggal dahil bukod sa alam umano ng kanyang mga nasasakupan na wala siyang kasalanan ay mayroon naman siyang negosyo na kayang tustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya.

Facebook Comments