Pagsuspinde sa excise tax ng produktong petrolyo, inihirit ng isang transport group

Umapela sa pamahalaan ang transport group na Piston na suspendihin muna ang excise tax sa mga produktong petrolyo.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Piston national president Mody Floranda na hindi lamang naman ang mga nasa sektor ng transportasyon ang apektado ng magkakasunod na oil price hike.

Bukod dito, hindi rin aniya napapanahon na magpatupad ng taas singil sa pamasahe lalo na’t nasa gitna pa tayo ng COVID-19 pandemic.


Samantala, sinabi naman ni Elvira Medina, pangulo ng National Center for Commuter Safety and Protection na hindi sila tututol sakaling magkaroon ng dagdag singil sa pasahe.

Ngayong araw, ilang kumpanya ng langis ang nagpatupad ng ₱1.30 na taas presyo sa kada litro ng gasolina habang ₱1.50 ang itinaas sa kada litro ng diesel.

Facebook Comments