Pagsuspinde sa fuel excise tax, hindi nakikita ng susunod na administrasyon

Hindi nakikita ng susunod na administrasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos na dapat suspendihin ang excise tax sa mga produktong petrolyo.

Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor at incoming chief of Finance, Benjamin Diokno, sa kabila ng muling pagtaas presyo ng langis ay hindi magandang bawasan o alisin ang buwis sa langis.

Aniya, bagama’t madaling alisin ang naturang buwis makikinabang ang lahat ng Pilipino ay mahihirapan itong ibalik sa oras ng pangangailangan dahil kailangan pa itong itulak sa Kongreso.


Paliwanag pa ni Diokno na ang problema sa usaping ito ay ang implementasyon at mas maganda na bigyan nalang ng ayuda ang mga driver, magsasaka, at mangingisda sa halip na tanggalin ang excise tax.

Samantala, sinabi naman Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary at acting Presidential Spokesperson Martin Andanar na hindi naman nagbago ang posisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa usapin ng pagsuspinde excise tax ng langis ngunit ipinauubaya na nito sa susunod na administrasyon ang desisyon hinggil sa panawagang ito.

Facebook Comments