Pagsuspinde sa ilang opisyal ng PhilHealth, ikinalugod ng Palasyo

Welcome sa Malacañang ang pagsuspinde ng Office of the Ombudsman sa ilang opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ng anim na buwan dahil sa korapsyon.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, natutuwa si Pangulong Rodrigo Duterte na umuusad na ang imbestigasyon sa PhilHealth.

Aniya, dahil dito mas mapapangalagaan na ang pondo ng PhilHealth at masisigurong mapupunta ito sa mga miyembro ng ahensya.


Pagtitiyak ni Roque, nakikipagtulungan ang Ombudsman sa task force na binuo ng Pangulo para imbestigahan ang PhilHealth.

Sinabi naman ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Greco Belgica na madadagdagan pa ang mga opisyal ng PhilHealth na masusupinde.

Ang mga opisyal ng PhilHealth sa pangunguna ng Pangulo nito na si Ricardo Morales ay nahaharap sa Congressional at Palace-backed investigations hinggil sa umano’y anomalya sa ahensiya mula sa mapanlinlang na panukala, paggamit ng Interim Reimbursement Mechanism (IRM) sa overpriced na pagbili ng IT system.

Facebook Comments