Iginiit ni AGRI Party-list Rep. Wilbert Lee sa Insurance Commission ang tuluyang pagbasura sa inilabas nitong Circular Letter No. 2022-34 na nakatakda sanang ipatupad noong Jan. 1, 2023.
Nakapaloob dito ang pagtaas sa premium rates para sa minimum catastrophe tulad ng lindol, bagyo at pagbaha.
Ayon kay Lee, hindi nararapat ang ganitong increase ngayong pumalo ang inflation rate ng bansa sa 8.7% nitong nakalipas buwan.
Diin ni Lee, walang supervening event na nangyari para taasan ang singil sa insurance na ito.
Nabatid ni Lee na hindi kinonsulta ng insurance commission na pinamumunuan ni Commissioner Atty. Dennis Funa ang mga stakeholders at consumers sa planong adjustments.
Dagdag pa ni Lee, kung talagang nalulugi ang mga insurance industry, dapat lamang na suriin ang kanilang mga datos upang maipakita sa publiko ang kanilang financial statements.
Babala pa ni Lee, kapag natuloy ang pagtataas sa catastrophe insurance premium ay siguradong sisipa na naman ang presyo ng bilihin na papasanin ng taumbayan.