Pagsuspinde sa IRR ng MIF Act, kinatigan ng Minorya sa Senado

Kinatigan ni Senate Minority Leader Koko Pimentel ang pagsuspinde ni Pangulong Bongbong Marcos sa implementing rules and regulations (IRR) ng Maharlika Investment Fund (MIF) Act of 2023.

Ang memorandum ng pangulo na suspindehin ang IRR ng MIF Act ay para patuloy pang pag-aralan ang batas.

Ayon kay Pimentel, “very good development” ang hakbang ng pangulo na suspindehin muna ang MIF Act.


Giit ng senador, napakaraming ‘defects’ o pagkakamali sa batas lalo’t mula sa simula ay hindi naman talaga napag-aralan nang husto ang batas bago ito tuluyang pinagtibay.

Dahil dito, hindi na aniya nakapagtataka kung bakit hindi pa handang ipatupad ang batas.

Pinuri naman ni Pimentel ang pakikinig ng Marcos administration sa mga katwiran o rason kung bakit hindi dapat ipatupad ang MIF Act.

Hirit pa ng Minority leader sa Senado, noong termino ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ay mayroon siyang certified measure pero sa huli ay vineto niya pa rin ito.

Facebook Comments