Pagsuspinde sa operasyon ng Consular Office sa Jeddah, pinalawig

40

Pinalawig ng Philippine Consulate General sa Jeddah, Saudi Arabia ang pagsuspinde sa operasyon ng Consular Office nito dahil sa isinagawang disinfection sa buong gusali.


Kasunod ito ng pag-quarantine sa 17 personnel nito na naunang nahawaan ng COVID-19.

Sa kabila ng patuloy na pagsuspinde ng kanilang operasyon, nagtalaga naman ang consulate general ng mga duty officers na maaaring magproseso ng emergency request for Consular assistance kabilang ang passport renewal at passport releasing.

Epektibo ang nasabing kanselasyon ng operasyon kahapon, July 12 hanggang July 19, 2020.

Facebook Comments