Manila, Philippines – Ipinauubaya na ng Office Court of Court Administrator ng Korte Suprema, sa executive Judges ng mga hukuman sa Mindanao na tinamaan ng malakas na lindol ang pagsuspinde sa court proceedings sa kanilang nasasakupan.
Ayon kay Court Administrator Jose Midas Marquez , inaantabayanan nila ang assessment ng Executive Judges mula sa mga hukuman sa Davao del Sur, Davao Occidental, South Cotabato, North Cotabato, Agusan del Sur, Bukidnon, Sarangani, Sultan Kudarat at Zamboanga na pawang naapektuhan ng malakas na lindol.
Nakatakda ring magtungo sa Mindanao si Marquez para personal na i-asses ang mga hukuman na tinamaan ng lindol.
Samantala, kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra na nagpapasaklolo sa kanila ang Davao City Prosecution Office matapos na magtamo ng structural damage ang gusali nito.
Sinusuri na rin aniya ng Department of Justice o DOJ ang sitwasyon sa Cotabato.