Pagsuspindi ni Senate President Chiz Escudero sa pagtatayo ng New Senate Building, ikinabigla ni Sen. Nancy Binay

Ikinasorpresa ni Senator Nancy Binay ang isyu ni Senate President Chiz Escudero tungkol sa lilipatang New Senate Building sa Taguig City.

Ipinasuspindi kasi ni Escudero ang konstruksyon ng bagong gusali ng Senado dahil na rin sa napakalaking gastusin dito na aabot ng ₱23 billion bago matapos.

Ayon kay Binay, noong 2019 ay bahagi na ng 17th Congress si Escudero at batid niya na ang gagastusin sa proyektong ito.


Aniya, nilinaw noon ni dating Senator Panfilo Lacson ang inaprubahang Multi-year Obligation Authority (MYOA) para sa New Senate Building na aabot sa ₱8.9 billion na ang sakop ay ang “core at shell” o ang pundasyon sa loob at labas ng apat na tower ng gusali at hindi pa kasali sa halagang ito ang gugugulin sa interior at fit-outs ng building.

Tinawag din ni Binay na “fake news” ang impormasyon na walang parking sa bagong gusali dahil may napagawang three-level basement parking sa NSB.

Dagdag pa ni Binay, nauunawaan niya na mabuti naman ang pakay ng Senate President sa planong pag-repaso sa pagtatayo ng New Senate Building ngunit sana aniya ay madaliin ang review at nakahanda aniya siya kung ipapatawag siya ng Liderato ng Senado.

Facebook Comments