Thursday, April 9, 2026

Pagsuspindi sa excise tax sa langis, muling ipinanawagan; pagsasara ng mga paaralan at pagkaantala ng serbisyo sa mga ospital, dapat na agapan —Sen. Aquino

Umapela si Senator Bam Aquino sa Malacañang na agad suspendihin ang excise tax sa petrolyo para maiwasan ang malubhang sitwasyon gaya ng pagsasara ng mga eskwelahan at disruption sa health care services na nangyayari na sa ibang bansa.

Kapag sinuspindi ang excise tax ay kaagad aniyang mababawasan ang presyo ng petrolyo.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Agriculture, iginiit ni Aquino na kailangang natin maging maagap para hindi tayo matulad sa Pakistan at Bangladesh na isinara na ang mga eskwelahan at humantong sa online classes, gayundin ang Cuba na nakararanas ng power outages ang mga ospital at may 96,000 na backlog sa surgeries.

Tinukoy ni Aquino ang kahalagahan na maprotektahan ngayon ang tatlong pundasyon ng pamilyang Pilipino—ang palengke, ospital at paaralan.

Nababahala ang senador dahil muling tumaas ang presyo ng petrolyo at dalawang linggo na rin mula nang magawa ang batas na nagpapahintulot sa pangulo na suspindihin ang excise tax sa langis subalit wala pa ring nangyayari hanggang ngayon.

Facebook Comments