Pagsusuka at baradong ilong, idinagdag sa mga sintomas ng COVID-19

Umakyat na sa 11 ang mga sintomas na posibleng maramdaman ng isang pasyenteng may COVID-19.

Ito ay makaraang idinagdag ng U.S.-based Centers for Disease Control and Prevention (CDC) sa mga sintomas ng sakit ang pagsusuka at baradong ilong.

Bukod dito, pinag-aaralan din ng CDC ang “COVID toes” o ang pagkukulay ube ng paa o mga daliri sa paa ng isang pasyente.


Ang nasabing sintomas ay maaaring lumabas sa loob ng dalawa hanggang 14 na araw mula nang malantad ang pasyente sa virus.

Kabilang sa mga sintomas ng COVID-19 ay lagnat, panginginig ng katawan, ubo, hirap sa paghinga, pakiramdam na laging pagod, pananakit ng laman, sakit ng ulo, pagkawala ng panlasa at pang-amoy, sore throat at diarrhea.

Facebook Comments