Pagsusulong na i-ban ang unli rice, itinanggi ni Senator Villar

Manila, Philippines – Tiniyak ni Committee on Agriculture and Food chairperson Senator Cynthia Villar na wala siyang plano na magsulong ng panukala para ipagbawal ang pagbibigay ng mga restaurants ng unlimited o unli rice.

Ang paglilinaw ay ginawa ni Senator Villar makaraang lumabas ang mga report na nais na niyang mahinto ang unli rice promo sa mga restaurant.

Ayon kay Senator Villar, hindi niya hangad na pigilan ang mga rice-loving Filipinos.


Ipinaliwanag ni Senator Villar na nagbigay lang siya ng payo sa publiko para sa balanseng pagkain ng mga gulay at ng maiwasan ang sakit na hatid ng sobrang pagkain ng kanin tulad ng diabetes.

“I am not planning to make a law banning ‘unli rice’, not at all. I just voiced out my concern that eating too much rice is one of the main causes of high blood sugar that leads to diabetes. But, of course, I cannot prevent people from eating unlimited amount of rice. It is their choice. It was just a genuine expression of concern on my part,” paliwanag ni Villar.

Panawagan pa ni Senator Villar sa Department of Agriculture, Department of Social Welfare and Development at Department of Health (DOH), gumawa ng mga programa para isulong ang mas mahusay na nutrisyon at kalusugan sa hanay ng ating mga kabataan.

Tinukoy ni Villar ang pag-aaral na nagsasabing tumataas ng 11 porsiyento ang panganib na magkaroon ng diabetes dahil sa araw araw na pagkain ng isang platong kanin.

Facebook Comments