Pagsusulong na muling ibalik ang death penalty, suportado ng PNP

Pabor ang Philippine National Police sa muling pagbabalik ng death penalty sa bansa.

Ito’y matapos ihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon sa kanyang SONA, na nais niyang magkaroon ng parusang kamatayan para sa big time drug traffickers at plunderers.

Ayon kay PNP Chief Police General Oscar Albayalde, nakahanda lamang silang sumunod sa nais ng Pangulo dahil naniniwala silang “game changer” ang nasabing parusa sa pagpapababa ng krimen.


Paliwanag ni Albayalde, sa loob ng 3 taon, marami nang nagawa ang PNP sa kampanya laban sa iligal na droga at malaki ang maitutulong nito kapag napatupad na ang batas.

Nilinaw naman ni PNP Chief, depende na sa appreciation ng Kongreso kung paano ipatutupad ang batas.

Una nang sinabi ng PNP na dapat munang pag-aralang mabuti ang death penalty at ayusin ang criminal justice system bago ito ibalik sa bansa.

Facebook Comments