
Nagtataka si House Committee on Suffrage and Electoral Reforms Chairman Rep. Zia Alonto Adiong kung bakit ikinokonekta ang pagsusulong sa Anti-Political Dynasty Bill sa pag-anunsyo ni Vice President Sara Duterte ng kanyang pagtakbo sa pagkapangulo sa 2028 elections.
Diin ni Adiong, ang pagpasa ng batas laban sa political dynasty ay nakapaloob sa 1987 konstitusyon kaya hindi nito tinatarget ang sinuman ngayon.
Paliwanag ni Adiong ito ay isang malaking usapin ng electorial reform at ang nasa 24 na panukalang batas hinggil dito ay matagal ng inihain sa Kamara bago pa man mag-anunsyo ng kandidatura si VP Sara.
Samantala, natapos na ngayong araw ang nationwide consultation ng komite ukol sa panukalang tutuldok sa political dynasty.
Una itong isinagawa sa Carmona, Cavite para sa mga taga-Luzon, sa Cebu para naman sa rehiyon ng Visayas, at ngayong araw ay sa Cagayan de Oro para sa mga taga-Mindano.










