Pagsusulong ng federal form of government, tatalakayin ni Pangulong Duterte sa kanyang ikalawang SONA

Manila, Philippines – Isa ang federalismo sa posibleng matatalakay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ikalawa nitong State of the Nation Address (SONA) sa July 24.

Ayon kay Presidential Communications Sec. Martin Andanar – ikinonsulta na ito ng pangulo noong huli nilang cabinet meeting.

Una nang sinabi ni Senate President Koko Pimentel na isa ang federalism sa priority agenda sa muling pagbubukas ng sesyon ng kongreso.


Matatandaang bukod sa kampanya kontra-droga, isa rin ang pederalismo sa isinusulong ni Duterte kahit noon pang panahon ng eleksyon.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments