Pagsusulong ng ilang mambabatas sa Cha-cha, pinuna ng kampo ni VP Robredo

Kinuwestyon ng kampo ni Vice President Leni Robredo ang pagsusulong ng ilang mambabatas sa pagbabago sa Konstitusyon sa panahong gumagapang ang bansa mula sa pandemya.

Ayon kay Atty. Barry Gutierrez, ang tagapagsalita ni Robredo, dapat pagtuunan ng gobyerno ang pagkakaroon ng access ng lahat ng Pilipino sa COVID-19 vaccine, sa halip na amiyendahan ang 1987 constitution.

Hindi napapanahon para talayakin ang Charter Change dahil marami pa ang kailangang tugunan sa pandemya.


Namamangha na lamang sila na kahit sa gitna ng COVID-19, pagkawala ng mga trabaho, pagbagsak ng ekonomiya, may ilang lider ang naghahanap ng paraan na sayangin ang oras at pera ng taumbayan.

Facebook Comments