Pagsusulong ng inklusibong edukasyon, tiniyak ng DepEd

Tiniyak ng Department of Education (DepEd) ang commitment nito sa pagsusulong ng inklusibong edukasyon.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, walang batang mapag-iiwanan kabilang ang mga mayroong kapansanan at nangangailangan ng special requirements.

Aniya, maraming hamon sa edukasyon ang kinaharap ng bansa kabilang ang COVID-19 pandemic at iba pang kalamidad at natugunan naman ito.


Sinabi naman Education Undersecretary Diosdado San Antonio, ang fundamental right ng bawat Pilipino ang layunin ng Republic Act 10533 o Enhanced Basic Education Act of 2013 na kinikilala ang diversity ng mga mag-aaral, eskwelahan at komunidad sa bansa.

Ipinaliwanag ni San Antonio ang mga hakbang ng ahensya lalo na sa adjustment at advancement ng curriculum base sa pangangailangan ng mga mag-aaral – lalo na sa pagtatatag ng K-to-12 program.

Ang Pilipinas ay host ng 2020 Global Education Monitoring (GEM) report kung saan katuwang ng kagawaran ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO).

Facebook Comments