Pagsusulong ng Kamara ng reporma para sa pension ng MUP, tuloy kahit malamig ang suporta dito ng Defense Department

Pinanindigan ni Albay 2nd District Representative Joey Salceda ang pagsusulong ng reporma para sa Military and Uniformed Personnel (MUP) pension system na nakabase sa prinsipyo ng kapwa pakinabang at pinagsasaluhang sakripisyo.

Pahayag ito ni Salceda, sa kabila ng pagkwestyon ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro sa “substitute bill” ng MUP pension system reform na inaprubahan ng House Ad Committee na pinamumunuan ni Salceda na nagtatakda ng mandatory contribution ng mga sundalo.

Diin ni Salceda, ang lahat kasama ang DND ay nabigyan ng pagkakataon na maglahad ng kanilang komento sa mga pagdinig o sa pamamagitan ng pagsusumite ng “transmited statements” sa komite.


Binanggit din ni Salceda na pinag-aralang mabuti ng Legal Affairs and Parliamentary Counselling units ng Kamara ang “constitutional implications” ng reporma sa MUP pension system.

Ayon kay Salceda, tinutupad lang ng Kamara ang sinabi mismo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang nagsabing kailangan masolusyonan ang isyu ng MUP pension.

Facebook Comments