
Buo ang tiwala ni House Prosecutor at Bukidnon Rep. Jonathan Keith Flores na magpapatuloy sa 20th Congress ang pagsusulong ng Kamara sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.
Pahayag ito ni Flores sa harap ng hinihinging sertipikasyon ng Senate Impeachment Court na interesado ang 20th Congress na ipursige ang proseso ng impeachment laban kay VP Sara.
Ipinunto ni Flores na sa paghahain ng articles of impeachment ay malinaw ang hangarin ng mababang kapulungan na maisalang na sa impeachment trial ang ikalawang pangulo at wala rin syang naririnig mula sa mga kongresista na bumabawi ng suporta dito.
Ipinaliwanag din ni Flores na malabong maibigay ngayon ang hinihingng sertipikasyon ng Se nate impeachment court dahil ang pormal na pag-convene sa 20th Congress ay mangyayari sa July 28 pa o sa araw na nakatakda ding maglahad ng ika-apat na State of the Nation Address (SONA) si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.









